Tagalog Essay Tungkol Sa Pasko Sa

Ilang araw na lang at Pasko na. Lahat tayo ay abala na sa paghahanda sa pagdiriwang ng Pasko. Nariyan na ang puspusang pagsa-shopping para sa mga regalo. Inilalagak na rin ang mga iba’t ibang makukulay na palamuti sa mga kabahayan. Kasama na rin diyan ang mga iba’t ibang uri ng ilaw na sumasayaw sa saliw ng mga himig kapaskuhan. Naririnig na rin natin ang mga awit ng Pasko na siya namang nagpapaibayo sa ating galak na maghanada sa pinakamasayang araw sa buong taon.

Isang araw, habang ako ay tumitingin sa aking Facebook, nakita ko ang isang tanong na umantig sa aking puso: Ano’ng gagawin mo ngayong Pasko? Sa tanang buhay ko, inaamin ko, ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang tanong na ito. Sa halos dalawampu’t siyam na taong dumaan ang Pasko sa buhay ko, napaisip ako: oo nga kako, ano’ng gagawin ko ngayong Pasko?

(Photo: Charisse Furiscal)

Minsan, sa bilis ng panahon at patuloy na pagbabago ng mundo ay unti-unti na atang nawawala sa atin ang tunay na diwa ng Pasko. Sa ating pagka-ugaga at pag-aalala sa mga kailangang bilhin na regalo, pagkain at palamuti, nakaliligtaan din natin minsan na ihanda ang ating mga puso at isip.

Noong namulat na ang aking kaisipan sa buhay-ispiritwal, napagtanto kong higit pa sa mga materyal na bagay, mas maigi at mas mainam na ihanda ko ang puso’t diwa ko sa darating na Pasko. Bilang isang Katolikong Kristiyano, ang Kapaskuhan ay ang pagdiriwang sa dakilang araw ng pagdating ng ating Diyos – si Hesus na siyang tumubos sa atin, ipinanganak lamang sa isang hamak na sabsaban ng ating Birheng Maria habang iniinda ang lamig ng gabi. Kung tutuusin, napakasimple ng pinakaunang Pasko: walang makukulay na palamuti at ilaw at walang magarbong pagdiriwang. Bagkus, isang larawan ng simple, ngunit masayang pamilya na nagagalak sa pagmamahal ng Diyos.

Kahit na nagbago na ang ating panahon, hindi pa rin nagbabago ang mensahe ng Pasko: pagmamahalan, pagbibigayan, pagiging maawain at pagkahabag. At sa pagkakataong ito, mas binibigyan ko ng prayoridad ang ispiritwal na paghahanda sa darating na Pasko sa pangungumpisal, sa pagbibigay ng pagmamahal, habag at awa sa mga hamak nating kapatid, at ang patuloy na pagpapaigting ng aking pakikipag-ugnayan sa Panginoon sa pagtanggap sa kanya sa banal na Komunyon at patuloy na pagdarasal at pagtitiwala sa kanya. ‘Yan ang gagawin ko ngayong Pasko higit sa lahat.

Darating ang mahal na Santo Papa Francisco sa susunod na taon. At ang panahon ng Kapaskuhan ang siyang mainam na panahon upang maghanda tayo sa kanyang pagdating. Hindi nga ba’t ang tema ng kanyang pagbisita dito sa Pilipinas ay “Mercy and Compassion” – awa at habag na siyang sinasalamin ng ating Santo Papa sa isip, sa salita at sa gawa?

(Photo: Russell Palma)

Ikaw, ano’ng gagawin mo ngayong Pasko?

Pasakalye: Iniimbitahan tayo ng Salesians para sa isang fund-raising concert na pinamagatang “Ano’ng gagawin mo ngayong Pasko?” sa ika-5 at ika-6 ng Disyember 2014. Ang malilikom na pondo ay gagamitin nila sa patuloy na pagsusulong ng kanilang silid-aklatan. Isa rin itong mainam na gawain ngayong Pasko.

Mga kapanalig, paparating na naman ang Kapaskuhan – ito’y isang pagdiriwang na patok at malawakan para sa pamilya. Ramdam na ramdam na ito, ngayon pa lang, dahil lumalamig na ang panahaon; dahil nakikita na natin ang pagbebenta ng mga parol sa mga kalsada; at nadidinig na din natin ang mga kantang may tema ng Pasko tuwing nasa mall.

Ngunit, hindi maiiwasang magkaroon ng isyu kahit dito sa isang pagdiriwang na matagal nang nakakintal sa pagiging Pilipino. Unang-una, ang Kapaskuhan ay isang selebrasyon ng pagdating ni Kristo sa mundo. Ayon sa aklat ni propeta Isaiah (9:6), For to us a child is born, to us a son is given, and the government will be on his shoulders. And he will be called Wonderful Counselor, Mighty God, Everlasting Father, Prince of Peace.

Kung kaya’t ang tunay na saysay ng Pasko ay ang pagligtas sa atin ng Panginoon. Naging tao ang Diyos at sa pamamagitan nito, naging kumpleto na ang ‘salvation history’ ng sandaigdigan. Ngunit, kapanalig, tila natatabunan na ang ganitong diwa ng Pasko; sapagka’t mas napagtutuunan pansin ang mga kapistahan at kasiyahan. Ito ang tinatawag na phenomena of ‘Christmas Consumerism’. Nagaganap ito tuwing mga regalo, pista, kainan na lang ang iniisip ng mga tao. Nalilimutan na ang mga mahahalagang aspeto ng Pasko gaya ng pagkakaisa, pagmamahal sa kapwa, at pagdarasal.

Mayroon pa nga umanong mga masasamang idinulot ang Pasko – polusyon. Noong 2010, nananawagan si Caloocan Bishop Deogracias Iniguez na gawing simple lamang ang pagdiriwang ng Pasko. As we recall with joy the birth of our Redeemer, I encourage everyone to observe it in simplicity and be the watchful of crass consumerism and the ensuing garbage that it generates, ayon kay Bishop Iniguez.

Ngunit, ngayong paparating na Kapaskuhan, may bagong pag-uugali na nangingibabaw. Madaming nananawagan na iwasan na lamang ang gumastos sa Pasko at mag-ambag na lamang para sa mga nabiktima ng typhoon Yolanda. May slogan mula sa nogiftxmas.org ng UNICEF at Philippine Red Cros na nagsasabing ‘No Gft XMAS’ upang makapagbigay na lang ng donasyon ang mga taong napinsala ng bagyo.

Pagkakataon na ito upang patunayan ang tunay na diwa ng Pasko – ang pagmamahal sa kapwa. Nakakataba ng puso tuwing nakakadinig ng mga Gawain tulad nito – na isasantabi na lamang ang mga luho at material na bagay upang makatulong sa ikabubuti ng mga nangangailangan. Mukhang hindi lang manan pala ‘consumerism’ ang mamumuno sa Pasko; mananaig din ang pagiging Katoliko.

Source: http://veritas846.ph/ang-diwa-ng-pasko/

Like this:

LikeLoading...

Related

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *